Halos 18k na sako ng dekalidad na binhi, ipapamahagi sa Albay at Sorsogon.
 
Nauna ng nabigyan ng dekalidad na binhi mula RCEF ang 100 ka-Palay sa Ligao City, Albay at Casiguran, Sorsogon.
 
Hindi lamang binhi ang hatid ng RCEF kada pamamahagi ng binhi kundi MASUSTANSYANG talakayan din tungkol sa tamang pag-aabono. Itinuro sa mga ka-Palay ang iba’t ibang epektibong pamamaraan sa pamamahala ng sustansya upang mabawasan ang gastusin sa pagpapalayan nang di nasasakripisyo ang target na ani. (FB, DA-PhilRice Bicol)