MAKABAGONG MAKINARYA, TIPID GASTOS SA PAGSASAKA

Sumabak sa bukid ang ating mga ka-Palay ng RCEF Training of Trainers upang matutunan ang tamang paggamit ng mga makabagong makinarya sa pagpapalayan.

Kabilang na rito ang traktor, drumseeder, mechanical transplanter, seed sowing machine, multi-purpose seeder, at dapog technique.

Binubuo ng 26 na agriculture extension workers at local farmer technicians mula sa iba’t ibang local government units at state universities ng Ilocos Norte at Ilocos Sur ang mga kalahok sa pagsasanay.