“Let’s farm as one, San Juan!”

TIGNAN: 2,250 na magsasaka ng San Juan, La Union ang nakatanggap ng libreng dekalidad na binhi mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF-Seed Program sa pamamagitan ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice ngayong 2022 wet season.

Sa tulong ng Municipal Agriculture Office ng San Juan, La Union, naipamahagi sa mga magsasaka ang 4,680 sako ng inbred na binhi.

Ang mga barayti na natanggap ng mga magsasaka ay ang NSIC Rc160, 216, at 480.
(DA-PhilRice Batac, FB)