Matagumpay na natapos muli ng Department of Agriculture- Philippine Rice Research Institute 
(DA-PhilRice) Los Baños ang delivery ng binhi ngayong 2022 wet season!

Noong June 29, 2022 ay opisyal nang nagtapos ang pamimigay ng libreng binhi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa iba’t-ibang lungsod at bayan sa CALABARZON.

Sa kabuuan ay nakapagdeliver ang DA-PhilRice Los Baños ng 97,512 sako ng binhi para sa 30,948 farmer-beneficiaries sa 76 munisipalidad sa rehiyon. Mahigit 74,900 na sako na rito ang naipamahagi na ng mga Local Government Units (LGUs).

Para sa schedule ng mga nalalabi pang seed distribution, makipag-ugnayan lamang sa inyong municipal/city agriculture office. (DA-PhilRice Los Baños, FB)