Pamimigay ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) certified seeds sa bayan ng Amlan, Negros Oriental sa pangunguna ng DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice)!

Umabot sa 60 na RCEF beneficiary ang dumalo sa Kick-off seed distribution upang makatanggap ng binhi na NSIC Rc18 barayti.

Nakapaglaan ang LGU-Amlan ng 120 bags para sa mga magsasaka ngayong 2022 wet season. Ito ang paunang pamimigay ng binhi sa kanilang bayan. (DA-PhilRice Negros, FB)