Bukod sa certified inbred seeds na pinapamahagi ng RCEF Seed Program sa probinsya ng Abra, nagbahagi naman ng kaalaman ang RCEF Extension Program sa pamamagitan ng mga babasahing gabay at ng short course on pest and nutrient management (PNM). Isinagawa ang training noong August 27-30 sa Pidigan, Abra.

Layunin ng training na tulungan ang mga ka-Palay sa probinsya na pamahalaan ang mga problema sa peste at nutrisyon sa pamamagitan ng lecture at aktwal na pagsasanay sa palayan.

Ang mga kalahok ay mga farmer-leaders mula sa mga munisipalidad ng Abra kabilang ang Bangued, Bucay, Dolores, Lagangilang, Lagayan, La Paz, Licuan-Baay, Luba, Peñarubia, Pidigan, Sallapadan, San Juan, Tayum, at Villaviciosa.

Naisakatuparan ang short course sa tulong at suporta ng OPag Abra na pinangungunahan nina Engr. Christopher M. Gulloy, OIC- Provincial Agriculturist; at Silvestre V. Briones, Provincial Rice Program Coordinator.

Samantala, muli namang isasagawa ang naturang short course sa probinsya ng Quirino ngayong Oktubre 15-18, 2024.

FB | DA-PhilRice Isabela | September 3, 2024