Sa kabila ng hirap at layo ng dadaanan na kung saan kailangan pang tawirin ang Ambayoan River bago makarating sa Brgy. Lawigan, Kayapa, Nueva Vizcaya, natupad pa rin ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) 2022 WS seed distribution kick-off at technical briefing rito kahapon, Mayo 18, 2022.

Dinaluhan ng 75 katao mula sa Municipal Agriculture Office, Municipal Health Office, at magsasaka ng Brgy. Lawigan, tinalakay ang RCEF programs at RCEF seed updates pati na rin ang kahalagahan ng pagpili ng barayti ng palay na itatanim.

Ito ang kauna-unahang technical briefing na dinaluhan ng magsasaka sa lugar, patunay na ang DA-PhilRice Isabela RCEF Seed and Extension program ay walang pinipiling lugar sa pagbabahagi ng tulong at suporta sa mga magsasaka upang mas lalo pang mapaunlad ang kanilang pagsasaka. (DA PhilRice Isabela, FB)