Upang paunlarin at palawakin ang kaalaman ng mga ka-Palay sa pamamahala ng insekto, peste, at sakit sa palayan sinimulan na ang pagsasanay ng mga Local Farmer Technicians (LFTs) ng Region XII tungkol sa Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) Pest and Nutrient Management sa Agricultural Training Institute – Satellite Training Center, University of Southern Mindanao (USM), Kabacan, Cotabato, April 17-21, 2023.
 
Inaasahan na makatutulong ang pagsasanay na ito upang maabot ang mataas na kita at mababang gastos sa palayan.
 
Binubuo ng 31 na LFTs na mula sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) at Provincial Government Units ng Region 12 ang mga kalahok sa pagsasanay. (FB, RCEF Extension Program)