Bilang paghahanda sa darating na 2025 Dry Season (DS), nagsimula ng magkaroon ng 2025DS social preparation ang RCEF Seed Program sa mga probinsya ng Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, at Apayao nitong Septyembre 6-12, 2024.
Kasama sa aktibidad ang mga provincial/muncipal/city agricuturists at provincial/municipal/city focal persons.
Tinalakay sa aktibidad ang mga mahahalagang hakbang sa pagpapatuloy ng RCEF Seed Program at ang magandang balita tungkol sa pagpapatupad ng mga alituntunin o guidelines ngayong 2025DS. Kasama na rito ang “No Capping” o walang limitasyong binhing makukuha ang benepisaryo ng programa depende sa luwang ng sinasaka.
Tinalakay din ang mga naging kontribusyon ng mga partner na ahensya at mga provincial/local government units, kasama ang mga ka-Palay sa CAR at Rehiyon Dos, sa tagumpay ng RCEF Seed Program sa nagdaang taniman.
Sa Phase2 ng RCEF program, muling katuwang ng DA-PhilRice at ng RCEF program ang mga partners sa pagpapalawig ng programa para sa mas maunlad na pagsasaka.
FB | DA-PhilRice Isabela | September 13, 2024