Binuksan na ang distribusyon ng RCEF seeds ngayong 2023 DS sa probinsya ng Quirino sa pamamagitan ng Binhi e-Padala, isang elektronic na systema ng distribusyon.
Sinubukan ang estratehiyang “pre-registration” para mabigyan ng QR code ang mga benepisyaryo na siya nilang ipapakita para makakuha ng binhi sa kooperatibang kapartner ng RCEF.
Sa pangkalahatan, naging mabilis ang distribusyon ng binhi sa mga miyembro ng Bannawag Sur Farmers Association sa Diffun, Quirino.
“Napaspas ta sistematiko ti ar-aramatenyu iti ipinagwaras iti bin-i. Makita mi pay dagiti miyembro mi nga adda talaga talon da isu nga sigurado nga maimula dagiti bin-I nga it-ted ti gobyerno,” wika ni Pedro Miguel, presidente ng asosasyon. ( Mabilis dahil sistematiko ang ginagamit nyong paraan ng pamimigay ng binhi. Nakikita pa namin na ang mga myembro na nabibigyan ay may bukid kaya talagang maitatanim ang mga ito.)
Ang pagrerehistro ay isang aktibidad na karugtong ng Binhi E-Padala na hindi na gumagamit ng text message para maipadala ang claim code ng benepisyaryo. Sa halip ay QR code na ang binibigay sa mga panahon ng “pre-registration” sa dako ng mga FCA.
Inaasahan ang estratehiyang ito ay mapakinabangan ng mga magsasaka, may cellphone man o wala, para mas mabilis ang serbisyong RCEF. (DA-PhilRice Isabela, FB)