July 2024

June 2024

May 2024

April 2024

March 2024


ISANG toneladang ani naging apat na tonelada kada ektarya! Paano? 

Matapos maging overseas Filipino worker ng 18 taon, umuwi si ka-Palay Jenipher Onera sa kanilang probinsya sa Batac, Ilocos Norte nang magkasakit ang kanyang ina. Nag-invest sya sa rice and grains trading business ngunit dahil sa pandemya, napilitan itong magsara.

Sa kanyang pagsali sa pagsasanay na pinondohan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund, natutunan niya ang pagtatanim ng certified inbred seeds, paggamit ng makinaryang pambukid, at tamang pamamahala ng sustansya.

Kanyang natutunan din ang ang pagtatanim ng rekomendadong inbred na barayti tulad ng NSIC Rc 160 at 222 na nagpataas ng kanyang ani. Kung dati ay isang tonelada kada ektarya lang ang kanyang ani, ngayon ay pumapalo na sa apat na tonelada kada ektarya.

Binago rin ng training of trainers ang kanyang pananaw sa pagsasaka. Dahil sa mga makabagong pamamaraan, kaya niya nang kumita at umani ng malakas. Na-engganyo din siya na magtayo ng farm school upang maipalaganap at makita ng mga kapwa ka-Palay ang bentahe ng mga makabagong teknolohiya. (FB, DA-PhilRice, March 6, 2024)


February 2024

January 2024