CERTIFIED USER ng seed spreader ang mga ka-Palay natin sa Subic!
Dahil sa kanilang pagsali sa PalaySikatan technology demonstration, nais magtutuloy-tuloy ng mga ka-Palay natin sa Brgy. Cawag, Subic, Zambales sa paggamit ng seed spreader.
 
“Umaabot ng P10,000 ang gastos ko dati sa manwal na paglilipat-tanim. Dahil sa seed spreader, P1,000 na lang ang gastos ko. Para ‘yun sa renta. Malaking tipid din sa ginagamit kong binhi dahil yung dating 160kg na pinapatanim ko sa isang ektarya, ngayon 40kg na lang,” pagbabahagi ni Virgilio Sabado, isa sa mga farmer-cooperator ng PalaySikatan sa barangay.
 
Uulitin nga raw niya ang paggamit ng nasabing makina sa pagsasabog-tanim.
 
Kwento naman ni Mario Rosete, nasa P20,000 ang naging tipid niya noong gumamit siya ng seed spreader. Plano nira ring magkaroon ng sariling makina para sa kanyang palayan. (FB, RCEF Seed Program)

Mas mataas na ani? Posible ‘yan basta dekalidad ang binhi!
Sa ginanap na PalaySikatan Technology Demonstration gamit ang walk-behind mechanical transplanter sa Mobo, Masbate, umani si Ruby Briones, isang farmer cooperator ng 75 bags para sa kalahating ektarya.
Gamit ang NSIC Rc 506, tumitimbang na 55 kilo kada sako ang inani niya at kung susumahin ay maaaring maabot ang walong toneladang ani para sa isang ektarya.
 
Ikinatuwa ito ng Provincial Agriculturist na si Grace Graciana Tagnipez aniya “Masaya ako dahil mula sa average na ani na 2.5 tons ng Masbate, ay pwede pala namin maabot ang 8 tons.” (FB, DA-PhilRice Bicol)

HASSLE FREE sa pagtanggap ng binhi!
“Automatic at very good! Madali at walang hassle naming nakuha yung libreng certified inbred seeds.”
 
Ganyan inilarawan ng mag-asawang Felipe at Nenita Remiter ang kanilang karanasan sa ginawang Binhi e-Padala sa Lagonoy Camarines Sur.
 
Mahigit 230 sako ng certified inbred seeds mula sa RCEF Seed Program ang natanggap ng 81 na magsasaka sa pamamagitan ng Binhi e-Padala.
 
Ito ay mas pinadali at pinabilis na proseso ng pagkuha ng dekalidad na binhi. (FB, DA-PhilRice Bicol)
 
 


𝐑𝐂𝐄𝐅 𝐒𝐞𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, 𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚🌾
Ibinahagi ni Perpetua B. Ancheta, Pidigan municipal agriculturist, na napagaan ng RCEF Seed Program ang buhay pagsasaka sa Abra mula ng dumating ang programa noong 2019.
 
Aniya, nasolusyunan ng RCEF ang mababang paggamit ng certified seeds, dahil ayon sa mga magsasaka sa lugar, mabigat ito sa bulsa.
 
“Simula noong umabot ang RCEF Seed Program dito sa aming lugar, natutuwa ang mga magsasaka tuwing nakakatanggap sila ng mga binhi. Dahil ito ay libre, nailalaan nila sa ibang pangangailangan sa pagpapalay ang kanilang natipid. Laking pasalamat din nila sa ibang tulong mula RCEF,” kwento ni ka-Palay Perpetua. (FB, DA-PhilRice Isabela)

𝐏𝟓𝟎𝟎𝟎, 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐭𝐢𝐩𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐬𝐞𝐞𝐝 𝐬𝐩𝐫𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫 🌾
 
Gamit ang seed spreader sa pagsasabog-tanim at pag-aabono, nakatipid ng higit P5000 si ka-Palay Rodolfo Binwag, farmer cooperator ng Lamut, Ifugao.
“Babaen iti seed spreader, nasurot ko iti umno a panag-abono ken iti panagusar iti 20 kilos laeng a bukel kada ektarya.” Ito ang kanyang binahagi sa kapwa magsasaka sa naganap na PalaySikatan sa kanilang lugar.
 
(Gamit ang seed spreader, naitama ko ang pagpapataba at ang pagsabug-binhi gamit ang 20 kilos na binhi sa bawat ektarya lamang.)
Aniya, dumoble ang kanyang ani, mula 67 kaban sa 121 kaban sa isang ektarya.
 
Ang seed spreader ay magaan at madaling gamitin. Kayang tapusin ng isang tao ang pagsabog-tanim sa isang ektarya sa loob lamang ng dalawang oras. (FB, DA-PhilRice Isabela)
𝐀𝐝𝐮𝐲𝐨𝐧 (𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧) 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 🌾
Positibo si ka-Palay Jeffrey D. Sotero, municipal agriculturist ng Tublay, Benguet, na maibabalik ang sigla at bayanihan sa pagsasaka sa tulong ng RCEF Seed Program.
 
Sa pagkamit ng rice self-sufficiency na sinimulan sa tulong ng programa, umaasa din siyang tuluy-tuloy ang “aduyon” (bayanihan) sa kabukiran na isang magandang kultura sa kanilang lugar. (FB, DA-PhilRice Isabela)
 
Human sa duha ka cropping season sa hingpit nga pagtutok sa hybrid rice seeds, ang probinsya sa Bukidnon mibalik na usab og pagdawat sa RCEF inbred seeds sugod karong 2023 Wet Season, ug kini nag hatag og dakong kalipay sa atong mga mag-uuma.
 
Sumala kay Ruth Canabuan, usa ka mag-uuma sa San Fernando, dako iyang kalipay nga naka dawat og semilya. Gawas nga first time siya magtanom ug NSIC Rc 506, dugay na niyang gihulat ang pagbalik sa RCEF nga programa.
 
Matud sa rice coordinator na si Edmar C. Espenosa, mapasalamaton ang ilang munisipyo kay kini maka hatag og dako nga produksiyon sa ilang lugar. Iya usab gihatagan og kabug-aton ang importansya nga anaay mapilian ang mga mag-uuma o iyang gitawag nga “farmer’s choice”.
Ang pag apod-apod sa binhi sa maong lungsod nagsugod niadtong una sa Hunyo ning tuiga.

Dahil sa libreng binhi mula sa #RCEFSeedProgram, hindi na pinoproblema ni Ricardo Pastidio, 61, mula sa Victoria, Laguna, kung saan kukuha ng binhi at ipinangdaragdag na lamang nila ang pera sa pagbili ng abono.

Noon, nakikipagpalitan sila ng binhi sa mga magsasaka na nagkaroon ng magandang ani o kaya’y bumibili sa halagang P1,400-P1,500.

Pagsasaka ang pangunahing kinabubuhay ni Mang Ricardo. Mahigit 50 taon na rin siyang nagsasaka, simula pa noong bata siya.

Nitong 2002 ay napalipat sila sa Victoria mula sa Santa Rosa City, at dito niya ipinagpatuloy ang pagsasaka. Ayon sa kanya, malaking tulong sa mga kagaya niyang magsasaka ang libreng binhi mula sa RCEF Seed Program kaya’t hiling niya ang pagpapatuloy nitong programa. (DA-PhilRice Los Baños, FB)

Loyal sa Rc 216

Bigyan man ng mapagpipilian, NSIC Rc 216 pa rin ang kukunin ng magsasakang si Leo Ayao-ao. Kwento niya, maganda itong umani at matibay dahil hindi agad nasisira ng peste o kalamidad.

Isa si Mang Leo sa mga napamahagian ng binhi sa kasalukuyang RCEF seed distribution sa San Quintin, Alfonso Lista, Ifugao. Mahigit 900 sako ang naipamigay sa mga magsasaka. Bukod sa Rc 216, ilan din sa mga naipamahaging barayti ay NSIC Rc 222, Rc 402, Rc480 at PSB Rc 18.