Mga 35 na magsasaka at agri-extension workers mula sa mga probinsya ng Ifugao, Isabela, Kalinga, Nueva Vizcaya, at Quirino ang muling makikinabang sa Rice Compentitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) Short Course Training on Pest and Nutrient Managament na ginaganap mula sa Mayo 24-28, 2022 sa Lower Magat Eco-Tourism Park, Diadi, Nueva Vizcaya.

Inaasahan namin na i-aabsorb niyo lahat ng ituturo ng mga resource persons natin dahil dumaan sa siyensya ang mga teknolohiya at pamamaraan na kanilang ituturo. Mula sa pamamahala ng mga insekto at kung paano tayo makakatipid sa abono. Isinusulong rin ngayon ng PhilRice ang Abonong Swak Campaign kung saan makakatipid sa abono, hindi kailangang sumakit ang bulsa para ang makamit ang target yield,” ani Joy Bartolome Duldulao, OIC-Director ng DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Isabela. (DA PhilRice Isabela, FB)