Farm schools ang magiging daan para mapalaganap ang bagong kaalaman!
Ito ang mensahe ni Dr. Karen Eloisa Barroga, Vice Chair ng RCEF Extension Technical Working Group, sa mga agricultural extension workers, farm school owners, at farm school trainers na sumali sa panimulang programa ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) – Training of Trainers (TOT).
Nakakasa ng matutunan ng 34 na kalahok ang produksyon ng dekalidad na inbred rice at binhi at paggamit ng makinang pangsaka na kanila naman ituturo sa mga farm schools sa kanilang lugar.
Nagbigay bati rin si Senator Cynthia Villar sa mga future trainers ng farm schools.
Ang RCEF-TOT ay bahagi ng RCEF-Extension Program na ipinapatupad sa ilalim ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL). Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para makasabay ang mga Pilipinong magsasaka sa pinaluwag na kalakalan.
(RCEF Extension Program, FB)