Sumailalim sa aktwal na pagsasanay ang mga trainers ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Extension Services Program Training of Trainers (TOT) sa paggamit ng plastic drumseeder, multi-purpose seeder, mechanical transplanter at tractor.
Sabi ng mga 25 na trainers, kanilang ibabahagi sa kapwa magsasaka ang kanilang mga natutunan.
Ang pagsasanay ay programa sa ilalim ng RCEF-RESP na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) naglalayong mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka. Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondahan din nito ang mga pautang na pangsakahan.
(DA-PhilRice Batac, FB)