Sa pagtatapos ng RCEF Seed & Extension Program midyear review ngayong araw, ibinahagi ni Lea dr. Abaoag, project lead ng RCEF training component, nasa 9,500 rice specialists, trainers, at mga magsasaka na ang naabot ng PhilRice RCEF mula 2019.

Dagdag pa ni Abaoag, kanilang patuloy na ginagabayan at minomonitor ang mga nagsipagtapos na trainers na ngayon ay sinasanay na rin ang mga magsasaka sa kanilang lugar na maging mas progresibo.

Ayon naman kay Hanah Hazel Mavi B. Manalo, project lead ng extension strategic communication, higit 100% ng kanilang target na Information, Education, and Communication (IEC) materials ay nagawa at naibahagi na sa mga magsasaka. Ilan sa mga IEC materials na naipamahagi ay isinalin sa iba’t-ibang dialekto para mas maging kapaki-pakinabang sa mga magsasaka saan man sila sa bansa.

Dagdag pa ni Manalo, lahat ng mga IEC materials ay base sa mga impormasyong hanap ng mga magsasaka sa PhilRice Text Center, Knowledge Sharing and Learning (KSL) sessions, at mga content na may mataas na reach sa PhilRice FB pages. (FB, RCEF Extension Program, August 16, 2024)

 


  • ATI-CL Exposes LSA Cooperators to Agro-Enterprise Clustering approach

    ATI-CL Exposes LSA Cooperators to Agro-Enterprise Clustering approach

    ATI Central Luzon evaluates Bonagua Integrated Farm to be featured on Documentation of Exemplar Beneficiaries for RCEF. Earlier today, Technical Support Staff IV, Mr. John Patrick Gutierez, conducted an initial interview of Mr. Darwin Bonagua for the Documentation of Exemplar Beneficiaries for RCEF. The initial interview revolved around the operation of farm through RCEF activities…


  • Pag-asa para sa progresibong agricultura🌾

    Pag-asa para sa progresibong agricultura🌾

    Sa bawat binhing itatanim, naroon ang pag-asang mag-ani ng masagana. Ngayon, 15 na bagong bihasa sa Pest and Nutrient Management ang handang magbahagi ng kanilang natutunan upang masiguro ang mas mataas na ani at kita ng ating mga magsasaka. Kasama sa mga nagsipagtapos ng RCEF Training of Trainers ay mga extension workers at farm school…


  • WAG MAGPASCAM! 

    WAG MAGPASCAM! 

    Tingnan ang pagkakaiba ng legit at fake FB accounts na hawak ng DA-PhilRice.I-report agad ang mga mapagpanggap na FB pages ng DA-PhilRice, RCEF Seed Program, at RCEF Extension Program.