Dahil nasa modernong pamamaraan na ng pagsasaka, labis ang pasasalamat ni ka-Palay Lilibeth A. Bacongco mula sa San Carlos City, Negros Occidental nang ipinakilala ang seed spreader, sa pamamagitan ng PalaySikatan 2.0 technology demonstration ng #RCEFSeedProgram

Sa edad na 54-years old, sumabak pa rin sa hamon si Lilibeth na subukan ang seed spreader.

Ayon sa kanyang anak na si Jirec, sinisiguro

Palaysikatan 2.0 Ceremonial Crop Establishment for 2024 wet season in San Carlos City, Negros Occidental using seed spreader!

ng kanyang ina na maganda ang kanilang palayan kaya hands-on ito sa pagtanim ng mga palay.

“Malaki ang tulong nito lalo na sa mga magsasaka gaya ni Nanay. Makakatulong ito sa kanila na mapahusay ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagsasaka sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya”, bahagi ni Jirec.

Sa seed spreader, maaaring umabot sa 10 kilo ng binhi ang pwedeng ilagay dito kada “loading”. Kayang abutin ng spray nito hanggang 4 na metro. Pantay-pantay din ang pagsabog nito ng binhi kumpara sa manu-manong pagsasabog-tanim.

Ikaw, ka-Palay, may kwento ka rin ba sa binhi o makinang nasubukan mo na? I-share mo na ‘yan! (FB, DA-PhilRice Negros, August 1, 2024)