Hindi maalis ang tingin ng mga ka-Palay natin mula sa Bayawan City, Negros Oriental sa drone seeder, isa sa mga modernong teknolohiya sa pagpapalayan, upang magsabog-tanim sa isinagawang PalaySikatan 2.0 ceremonial crop establishment ng #RCEFSeedProgram.

Isa na rito si ka-Palay Shiela Gerian, na naniniwala na ang drone-seeder ang makakatulong na mapababa ang gastos sa palayan.
“Matagal na ako sa manu-manong pagsasabog-tanim sa 2 ektarya kong palayan, nang ipinakilala ang drone sa amin, mas mabilis ito at mababawasan talaga ang gastos sa labor”, bahagi niya.

Sa paggamit ng drone, kaya nitong matapos sa loob ng 30 minuto, 🕕 pantay-pantay ang pagsabog, at kalkulado din ang galaw nito.
Ayon sa LGU ng Bayawan City, libre at walang bayad ang paggamit ng drone. Sinisiguro nila na lahat ng mga magsasaka ay mabigyan ng suporta at access sa makabagong teknolohiya.

Maliban sa drone-seeder, itinampok din ang iba pang makinarya gaya ng walk-behind transplanter, drum seeder, at riding-type transplanter.

Kung nais niyong masaksihan ang PalaySikatan 2.0, maaari rin bumisita sa iba pang demo sites:
✅Trinidad, Bohol
✅San Carlos City, Negros Occidental
✅Panay, Capiz

Ang PalaySikatan 2.0 ay pagpapakita ng bagong teknolohiya at mga rekomendadong barayti sa 50 ektaryang palayan. (FB, DA-PhilRice Negros, July 9, 2024)