Mahigit 100 na mga magsasaka ang dumalo sa pinakaunang RCEF PalaySikatan Harvest Festival convergence cluster site sa Brgy. Quezon, San Carlos City, Negros Occidental.

Sa pamamagitan ng convergence ng RCEF Seed Program, SMART-Farm, at RiceBIS, matatanggap ng mga magsasaka ang buong interbensyon ng gobyerno mula sa land preparation hanggang sa pagbenta ng bigas.

Isa sa mga napabilang dito ay si ka-Palay Jomar Roma, aniya, masaya siya na napili ang kanilang lugar upang isagawa ang palaysikatan.

“Marami silang naituro sa amin bukod doon sa kaugalian na namin gaya ng tamang paghahanda ng lupa hanggang sa paglalagay ng abono. Kaya nagpapasalamat ako na may nakuha kaming ideya rito,” bahagi niya.

Ang technology demonstration na ito ay pinamamahalaan ng 12 farmer-cooperators na may kabuuang 6 ektaryang taniman upang maibida ang 6 na rekomendadong barayti gamit ang granular applicator. (FB,  DA-PhilRice Negros, April 1, 2024)