Mahigit 500 na magsasaka, ahensiya ng gobyerno, at mga pribadong kumpanya ang nakilahok sa unang araw ng 2023 Wet Season Lakbay Palay sa DA-PhilRice Batac na may temang “RCEF ano na?!”.

Naipakilala sa nasabing aktibidad ang mga iba’t ibang teknolohiyang sa pagsasaka tulad ng makinarya, barayti ng palay, at model farms upang mapataas ang ani mapababa ang gastos ng mga magsasaka.

Tampok din ang mga produkto ng mga ahensiya ng gobyerno at pribadong kumpanya sa exhibit. (FB, DA-PhilRice Batac, October 25, 2023)