Nagtipon ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Laguna sa isinagawang workshop ng DA-PhilRice Los Baños upang mas pagtibayin ang implementasyon ng RCEF Seed and Extension Programs ngayong 2024 wet season.

Bahagi ni Ronald Heradura, mula sa Office of the Provincial Agriculturist ng Laguna, mahalaga na nalaman ng bawat isa ang mga update sa guidelines at protocols ng programa upang mas bumilis at umayos ang proseso ng pamamahagi ng binhi.

Aniya, sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, napag-uusapan at natutukoy ang mga hakbang na dapat gawin upang mas mapabuti ang serbisyo sa mga magsasaka. (FB, DA-PhilRice Los Baños, April 17, 2024)