Ngayon ang ikatlong araw ng RCEF-Training of Trainers on Pest and Nutrient Management sa Puerto Princesa, Palawan at sa siyam na araw ng pagsasanay na ito ay inaasahan na madadagdagan ang kaalaman ng mga kalahok na AEWs, LGU staff, local farming technicians, at mga farm school trainers na mula pa sa iba’t ibang munisipalidad at ahensya sa Palawan.

Ang training na ito ay naglalayong matulungan ang mga kalahok na magkaroon ng dagdag na kaalaman sa epektibong pamamahala ng peste at sustansya base sa PalayCheck System, at paghusayin ang kanilang kapasidad na maturuan ang mga magsasaka sa kanilang lugar.

Ang pagsasanay ay tatagal mula ika-13 hanggang ika-21 ng Hunyo. Pagkatapos ay susundan naman ito ng RCEF-Palay Tekno Gabay na gaganapin sa Roxas, Palawan sa ika-24 ng Hunyo upang makapagbahagi sa mahigit 100 na magsasaka ng mga bagong kaalaman tungkol pagpapalay. (FB, DA-PhilRice Los Baños, June 15, 2024)


Latest Posts