Ilog man ay tatawirin para dekalidad na binhi ay maitanim!!!

Trenta minuto man ang byahe sa bangka ay pinipili pa rin ni Disie Paalisbo na kunin ang dekalilad na binhing palay mula #RCEFSeedProgram. Ayon sa kanya, hindi hadlang ang layo ng paglalakbay para makuha niya ang nakalaang suporta ng programa para sa kanilang mga magsasaka.

Talagang itinatanim namin ‘yung mga binhing nakukuha namin. Hindi namin ipinapagiling kasi mataas talaga ang ani namin ‘pag ito ang gamit namin,” kwento ni Disie, magsasaka mula Brgy. Angelis, Tambulig, Zamboanga del Sur.

Simula pa lamang 2020 ay nakakatanggap na ng binhi mula RCEF si Disie. Kung dati ay nasa 26 sako ang kanyang ani, ngayon ay umaabot na nga raw ito ng 45 sako.

Sa kasalukuyang taniman, umaabot sa 2,351 sako ng binhi ang naipamigay ng programa at ng lokal na pamahalaan ng Tambulig sa kanilang bayan. Kabilang sa mga barayti na kanilang natanggap ay NSIC Rc 222, Rc 442, at Rc 160.

(FB, DA-PhilRice Midsayap, November 23, 2023 at Mga larawan mula kay Nerio Pon)


Latest Posts