Mas alam na ngayon ng 22 na agriculturists ng Zamboanga Peninsula ang tamang pamamahala ng peste at sustansya matapos ang “training of trainees” ng RCEF na naganap sa Kabacan, Cotabato nitong May 8-16, 2024.

Tumatak sa kanila ang kahalagahan ng mga kaibigang kulisap na nakakatulong sa pag-puksa ng peste na hindi na kailangan ng pestisidyo. Natutunan din nila ang right EAT (element, amount, at time) na pagpapataba.

Ang mga nagsitapos ay mula sa farm schools, local government units, at state universities and colleges.

FB, DA- PhilRice Midsayap, May 20, 2024


Latest Posts