Umarangkada na ang pamimigay ng libreng certified inbred seeds sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund  (RCEF) Binhi e-Padala ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa San Gabriel, La Union.

Sa RCEF Binhi e-Padala, makakatanggap ang qualified farmer beneficiaries ng text mula sa PhilRice na naglalaman ng claim code at detalye kung saan at kelan kukunin ang binhi.

Ayon kay Oscar Marso, 68, 2022, mas mabilis na ngayon ang pagtanggap ng binhi sa tulong ng bagong sistema na ito dahil hindi na kailangang pumila pa ng matagal.

Maliban sa dekalidad na binhi, isinagawa din ang technical briefing at ang pamimigay ng mga babasahin ang mga magsasaka mula sa RCEF Rice Extension Serivce Program (RESP) para madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagpapalayan. (DA-PhilRice Batac, FB)