Mas pinadaling sistema ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Component ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) seed distribution, sinubukan sa Mexico, Pampanga
Ngayong linggo nagsimula ang pamimigay ng mahigit 10,000 sako ng RCEF seeds sa Mexico, Pampanga. Ang kaibahan, isinasagawa ito gamit ang sistemang RCEF Binhi e-Padala.
Sa Binhi e-Padala, pinadadalhan ng DA-PhilRice ng text message ang mga magsasaka. Laman nito ang pangalan ng benepisyaryo, bilang ng sako na makukuha, schedule at address ng seed distribution, at claim code na unique sa bawat magsasaka.
Sa mismong araw ng distribution, ipapakita ng magsasaka ang claim code at ito ang gagamiting basehan sa ipamimigay na binhi.
Sa pamamagitan nito, hindi na pipila pa ng mahaba at matagal ang bawat magsasaka.
Kabilang sa mga barayting ipinapamahagi sa lugar ang NSIC Rc 436, Rc 222, Rc 480, at Rc 160. Aabot ang seed distribution sa Mexico hanggang sa susunod na linggo. (RCEF Seed Program, FB)