Dahil sa libreng binhi mula sa #RCEFSeedProgram, hindi na pinoproblema ni Ricardo Pastidio, 61, mula sa Victoria, Laguna, kung saan kukuha ng binhi at ipinangdaragdag na lamang nila ang pera sa pagbili ng abono.
Noon, nakikipagpalitan sila ng binhi sa mga magsasaka na nagkaroon ng magandang ani o kayaโy bumibili sa halagang P1,400-P1,500.
Pagsasaka ang pangunahing kinabubuhay ni Mang Ricardo. Mahigit 50 taon na rin siyang nagsasaka, simula pa noong bata siya.
Nitong 2002 ay napalipat sila sa Victoria mula sa Santa Rosa City, at dito niya ipinagpatuloy ang pagsasaka. Ayon sa kanya, malaking tulong sa mga kagaya niyang magsasaka ang libreng binhi mula sa RCEF Seed Program kayaโt hiling niya ang pagpapatuloy nitong programa. (DA-PhilRice Los Baรฑos, FB)
Loyal sa Rc 216
Bigyan man ng mapagpipilian, NSIC Rc 216 pa rin ang kukunin ng magsasakang si Leo Ayao-ao. Kwento niya, maganda itong umani at matibay dahil hindi agad nasisira ng peste o kalamidad.
Isa si Mang Leo sa mga napamahagian ng binhi sa kasalukuyang RCEF seed distribution sa San Quintin, Alfonso Lista, Ifugao. Mahigit 900 sako ang naipamigay sa mga magsasaka. Bukod sa Rc 216, ilan din sa mga naipamahaging barayti ay NSIC Rc 222, Rc 402, Rc480 at PSB Rc 18.