Masayang tinanggap ng 880 magsasaka mula sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao ang mahigit 1,015 sakong dekalidad na binhing palay nitong ika-27 ng Mayo taong kasalukuyan.
Ilan lamang ang binhing ito sa alokasyon ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform – Maguindanao sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute o DA-PhilRice.
Layunin ng program na mapataas ang ani ng mga magsasaka sa pamamagitan ng paggamit ng mga napapanahong varieties ng palay.
Kaakibat ng isinagawang distribusyon ay nag bahagi ng technical briefing ang kawani ng MAFAR-Maguindano sa pangunguna ni Rice Focal Person at Senior Agriculturist Muhaimin L. Ali. Ito ay upang mabigyan ng kaalaman ang mga magsasakang benipisyaryo ukol sa tamang pamamaraan ng pagtatanim at pangangalaga rito.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si DAM Vice Mayor Jomar Midtimbang sa pamunuan ng MAFAR at PhilRice dahil sa natanggap na tulong mula sa ahensya. Kanya din pinaalalahanan ang mga benipisyaryo na itanim ang binhi upang hindi ito masayang. Humiling rin ng teknikal assistance ang vice mayor upang mas lumawak ang kaalaman ng kanyang nasasakupan ukol sa makabagong teknolohiya ng pagtatanim ng palay.
Samantala, pinangunahan ni DAM OIC MMO Dasib Mendatu katuwang ang iba pang kawani ng MAFAR – Maguindanao ang pamamahagi sa nabanggit na lugar.
Ang naturang programa ay resulta ng pakikipag tulungan ng MAFAR – BARMM sa ilalim ng pamumuno ni Minister Mohammad S. Yacob, PhD., at MAFAR – Maguindanao Provincial Director Ronjamin M. Maulana, PhD., DA-PhilRice Midsayap at Lokal na pamahalaan ng Maguindanao. (MAFAR-Maguindanao, FB)