Tuloy-tuloy ang pamimigay ng dekalidad na binhi mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund – Seed Program o RCEF sa ilalim ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice sa lalawigan ng Zamboanga del Sur. Ang mga larawan ay mula sa mga bayan ng Ramon Magsaysay, Tukuran, Mahayag, at Tambulig sa kani-kanilang mga seed distribution. Kabilang sa mga variety na pinamimigay ay NSIC Rc 222, Rc 402, Rc 442, at Rc 160. (DA-PhilRice Midsayap, FB) Mga larawan mula kay: Aldrin C. Onis