Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Sudipen, La Union ang pamamahagi ng libreng dekalidad na binhi mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Seed Program sa kanilang 17 na barangay sa pamamagitan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice).
Ayon kay Ms. Zeny C. Corpuz, Municipal Agriculturist, malalayo ang mga barangay sa kanilang munisipyo kaya nagdesisyon ang kanilang opisina na sila na mismo ang pupunta sa mga barangay upang hindi na gumastos sa pamasahe ang mga magsasaka .
Nakapamahagi na rin ng 2,450 na sako na libreng binhi ang naturang bayan para sa tag-ulan.
Ang NSIC Rc 480 ay paborito ng mga magsasaka, sapagkat nasubukan na nila ito noong nakaraang pagtatanim at nakita nila na ang barayti na ito ay angkop sa kanilang lugar. (DA-PhilRice Batac, FB)