
Kasabay ng pamimigay ng dekalidad na binhi ay itinatampok din ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Seed Program (RCEF-Seed) sa pamamagitan ng Technology Demonstration ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang iba’t-ibang makinaryang pangsaka na makatutulong na pababain ang gastos sa pagpapalayan.
Sa Brgy. Rizal sa bayan ng Banga sa South, Cotabato, ibinida sa mga magsasaka ang pag-gamit ng riding-type transplanter. Inaasahan na sa pamamagitan ng techno demo ay makikita ng mga magsasaka ang bentahe ng dekalidad na binhi at makinaryang pangsaka. (DA-PhilRice Midsayap, FB)
𝙈𝙜𝙖 𝙡𝙖𝙧𝙖𝙬𝙖𝙣 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙠𝙖𝙮: 𝙅𝙤𝙨𝙚 𝙉𝙤𝙧𝙞 𝘽𝙪𝙝𝙖𝙩


