Bumisita noong Hulyo 21, 2022 ang 27 na kalahok ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) Training of Trainers (TOT) on Pest and Nutrient Management sa PhilRice Midsayap at naging unang grupo na nakapunta sa techno demo field ng Abonong Swak ng stasyon.
Pinangunahan ni Isagane V. Boholano ang field tour/evaluation ng mga participants at nagbigay rin ng briefing patungkol sa Abonong Swak. Nakita ng mga kalahok ang crop stand ng palay na ginamitan ng tatlong combo sa ilalim ng Abong Swak at naikumpara ang mga ito sa isa’t-isa pati narin sa farmers’ practice at seed production practice.
Maliban sa swak na pag-aabono ay tinalakay rin ng grupo ang Key Check 5 kaugnay ng kanilang pagsasanay. Inaasahan na sa kanilang dagdag na kaalaman ay mas marami pang magsasaka ang matuturuan sa tamang pamamahala ng pagpapataba para makamit ang masaganang ani at mataas na kita. (DA-PhilRice Midsayap, FB)