Nagsipagtapos noong Hulyo 22 taong 2022 ang 37 trainees ng pangatlong batch ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) Training of Trainers on Pest and Nutrient Management. Ginanap ito sa Agricultural Training Institute-Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02).
“Maraming salamat sa PhilRice, another milestone ang training na ito sa kagaya naming mga farm school owners dahil mas lalong nahasa at nadagdagan ang aming kaalaman na maaari rin naming ibahagi sa aming estudyante at sa mga susunod pang estudyante.” Pahayag ni Emmylou Loresto, isa sa nagtapos at farm school owner ng Willy’s Integrated Farm.
Nagsanay sa loob ng limang araw ang mga trainers na mula sa farm schools, PhilRice, Isabela State University-Cabagan, ATI-RTC 02, at Office of the Provincial and Municipal Agriculture (OPAG & OMAG) ng Isabela.
(DA-PhilRice Isabela, FB)