Relate na relate ang 34 na graduates ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) – Training of Trainers (TOT) ukol sa Production of High-Quality Inbred Rice and Seeds and Farm Mechanization sa mensahe ni Rictor Fortaleza na patutunayan nila sa ating mga ka-PALAY na mga magsasaka na kayang kaya na pataasin pa ang ani.

Hindi ako pumasok sa training na ito dahil may gusto akong makamit na award para sa sarili ko o may gusto akong patunayan sa sarili ko. Sumali ako sa training na ito para patunayan sa mga magsasaka na may kakayanan silang mas umunlad pa sa pagpapalayan,” anya.

Ang mga nagsipagtapos ay mga farm school trainers, at ilang agricultural extension workers mula sa lalawigan ng Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac na dumalo sa PhilRice, Science City of Muñoz para mag training mula Agosto 12 hanggang Agosto 26.

Ang pagsasanay ay programa sa ilalim ng RCEF- Rice Extension Services Program na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL). Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para makasabay ang mga Pilipinong magsasaka sa pinaluwag na kalakalan.
(RCEF Extension Program, FB)