Sanay na sa paggamit ng organikong pataba si Nick Jay Arr Engallardo, magsasaka at may-ari ng Engallardo Nature Farms and Natural Food Products sa Bukidnon.

Sa pagsali nito sa katatapos lamang na Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) Training of Trainers () tungkol sa Pest and Nutrient Management, napag-alaman ni Nick na mas mabuti na may sapat na kaalaman sa pag gamit ng inorganikong pataba na saklaw sa pagtuturo sa FFS.

Bagong-bago sa akin ang itinuro sa TOT dahil nakatutok lang kami sa organikong pataba sa aming farm school dati. Mas naging malalim ang kaalaman ko lalo na sa pamamahala ng sustansya ng palay. Tinuruan din kami sa fertilizer computation. Mahalaga pala ‘yun pero hindi namin nagagawa dati dahil wala namang ganun kung organic ang gamit,” kwento niya.

Sabik din si Engallardo na ibahagi ang kanyang mga natutunan sa mga magsasakang mag-eenroll sa farmer field school.

Isasama ko ito sa mga ituturo namin sa aming farm school,” pangako niya.

Kasabay ni Engallardo ang 30 pang magsasaka at farm school owner mula Bukidnon na nakapagtapos sa nasabing TOT. Ang pagsasanay na ito ay pinangunahan ng DA-PhilRice Agusan, katuwang ang iba pang ahensya gaya ng DA-PHilMech, DA-Agricultural Training Institute, Landbank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at TESDA na nagpapatupad ng RCEF Extension Program.

May iskedyul din ng TOT sa Northern Mindanao, Davao, at Caraga sa mga susunod pang mga buwan.
(DA-PhilRice Agusan, FB)