Level up na ang mga trainers ng RCEF Training of Trainers (TOT) on Production of High-Quality of Inbred Rice and Seeds and Farm Mechanization pagkatapos nilang matutunan ang paggamit ng Minus-One Element Technique (MOET) App.
Gamit ang MOET App, maaaring malaman ang eksaktong dami ng pataba ayon sa yugto ng pagbulas ng tanim na palay at ang panahon ng pagpapataba.
Ang MOET App ay isang application na pwedeng i-download sa mga android phones. Ang MOET App ang siyang gagawa o magkokompyut ng pataba na ilalagay sa lupang taniman.
Ang TOT ay programa sa ilalim ng RCEF- Rice Extension Services Program na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) nanaglalayong mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka.
Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondahan din nito ang mga pautang na pangsakahan.
(DA-PhilRice Batac, FB)