Nagsimula na ang isang buwan na hands-on training na bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Specialists’ Training Course (RCEF-RSTC) at hindi na makapaghintay si ka-PALAY Zenaida Villanueva na mas madagdagan pa ang kanyang mga natutunan mula sa nakaraang online training.
Anya, magaling ang pagtuturo sa kanila pero iba pa rin kapag aktwal na makikita at isinasagawa ang mismong mga itinuturo sa kanila.
Kasama si ka-PALAY Zenaida sa 17 rice specialists na nakarating sa PhilRice-CES, Science City of Muñoz para sa module ng hands-on na inaasahang magtatapos sa Oktubre 14.
Ang pagsasanay ay programa sa ilalim ng RCEF- Rice Extension Services Program na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na naglalayong mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka.
Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondahan din nito ang mga pautang na pangsakahan.
(DA-PhilRice, FB)