“Malaking karangalan sa aming bayan na makilala ang aming effort at performance upang makamit itong Excellence Award. Asahan po ninyo ang aming patuloy na serbisyo at dedikasyon para sa mga magsasaka,” ani Willy Estabillo, Municipal Agriculturist ng Naguilian, La Union matapos ang ginanap na RCEF Seed and Extension Programs Assessment, Review, Awarding Ceremony and 2023 Dry Season Planning.
Nakamit rin ng Sugpon, Ilocos Sur ang nasabing parangal. Nakatanggap din ng Special Citation Award ang Provincial Government Units ng Ilocos Sur at La Union. Kasama rito ang mga bayan ng Agoo, Bangar, Bagulin, Bauang, Burgos Caba, Pugo, Rosario, Sto. Tomas, Santol, Sudipen at Tubao, La Union; Alilem, Banayoyo, Bantay, Burgos, Caoayan, Cervantes, Lilidda, Magsingal, Nagbukel, Quirino, San Emilio, San Esteban, San Ildefonso, San Juan, San Vicente, Santa, Sta. Catalina, Sta. Maria, Santiago at Vigan City, Ilocos Sur.
Lubos na nagpapasalamat ang DA-PhilRice Batac sa mga partner implementing agencies sa Ilocos Region – LGUs, DA-RFO1, BPI NSQCS at seed cooperatives sa patuloy nilang suporta sa ating mga magsasaka.
(DA-PhilRice Batac, FB)