“Isinasagawa ang training na ito upang maibahagi sa ating mga magsasaka ang mga makabagong kaalaman at teknolohiya para mapataas ang kanilang ani at mapababa ang gastos sa pagpapalayan,” ani Noni Martin, RCEF Training Coordinator ng Rice Research Institute DA-PhilRice Batac sa mga extension workers at farm school representatives galing Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Handa nang matuto ang 25 na kalahok ng produksyon ng dekalidad na inbred rice at binhi at paggamit ng makinang pangsaka na kanila naman ituturo sa mga magsasaka sa kanilang lugar.

Ang Rice Competitiveness Enhancement Fund -Training of Trainers (RCEF-TOT) ay bahagi ng RCEF-Extension Program na ipinapatupad sa ilalim ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL). Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para makasabay ang mga Pilipinong magsasaka sa pinaluwag na kalakalan.
(DA-PhilRice Batac, FB)