Halos 70 magsasaka mula sa Poblacion at Batan Island ang nakilahok sa ating Palaysikatan Farmers Field Walk na ginanap sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay!
Sa pag-iikot sa tatlong ektaryang technology demonstration field, bumida ang mga bagong barayti mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund(RCEF) at ng PhilRice tulad ng NSIC Rc 506 at NSIC Rc 480.
“Yung NSIC Rc 506 at NSIC Rc 480 talaga ang pinaka nagustuhan ko dahil siksik at patong patong ang butil. Susubukan ko rin yung barayti NSIC Rc 506 sa susunod na taniman! Hindi man kasama sa ipapamigay ng RCEF sa susunod na taniman, bibili ako sa isang farmer cooperator ng binhi nito dahil kita naman na dekalidad at halos puro!” Herlina B. Perejel, Brgy. Dapdap Rapu-Rapu, Albay.
Katuwang ang Provincial Government of Albay at LGU Rapu-Rapu sa pangunguna ni Hon. Mayor Dick Galicia magpapatuloy ang Technology Demonstration Program ng RCEF upang mas paramihin pa ang pag-gamit ng dekalidad na binhi at mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka na magpapataas ng ani at magpapababa ng gastos sa pagpapalay.
(DA-PhilRice Bicol, FB)