Mismong si Tantangan Mayor Timee Joy G. Torres-Gonzales ang nanguna sa kauna-unahang Rice Competitiveness Enhancement Fund(RCEF) Seed Binhi e-Padala Pre-Registration Caravan kahapon, October 12, 2022, sa Brgy. New Iloilo, Tantangan, South Cotabato. Pagkatapos ng maikling programa ay sinubukan ni Mayor Timee ang pre-registration process na naglalayon na mas mapabuti pa ang pamimigay ng dekalidad na binhi sa mga magsasaka. Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kawani ng PhilRice, LGU-Tantangan, at mga farmer-members ng PAGMACE IA.
Hangad din ng RCEF Seed Binhi e-Padala Pre-Registration na makatulong na mas palakasin ang mga farmer cooperatives and associations.
Napili ang mga farmer-members ng Paghidaet Malipayon Center Irrigators Association, Inc. (PAGMACE IA) bilang pilot-users ng Pre-Registration website.
Ayon kay Rizal G. Corales ng PhilRice RCEF-Program Management Office, ang Pre-Registration ay isa sa mga innovation na gustong subukan ng PhilRice upang mas guminhawa ang proseso ng pagkuha ng binhi para sa mga magsasaka, local government units, at seed cooperatives.
Ang pre-registration ay mayroon lamang dalawang hakbang: una ay ang pagkuha ng RCEF Farmer’s ID at ang mismong pag-fill out ng Pre-Registration Application. Ang RCEF Farmer’s ID ay nagegenerate gamit ng listahan ng miyembro ng FCAs na may RSBSA at ng listahan ng seed beneficiaries ng RCEF.
Kahapon ay sinubukan din ang pag-access sa website gamit ang smartphones ng mga magsasaka upang masubukan na nila mismo ang magpre-register.
Sa pagkakaroon ng pre-registration ay maari nang makapagbigay ng kanilang data ang mga magsasaka gamit ang website. Kasali sa data na ito ang lawak ng luapang sakahan, target date ng taniman, at gustong barayti ng binhi.
Bagaman nasa pilot-testing stage pa lamang ang Pre-Registration website ay umaasa ang PhilRice na makakatulong ito na mas mapabuti ang implementasyon ng RCEF Seed Program. Ayon pa kay Mayor Timee ay kailangang maki-sabay ang sektor ng agrikultura sa makabagong teknolohiya para masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng pagkain. Nagpasalamat rin siya sa pagpili sa PAGMACE IA ng Tantangan bilang kauna-unahang pilot site ng pre-registration.
Nagpapasalamat din ang PhilRice Midsayap sa lokal na pamahalaan ng Tantangan, PAGMACE IA, at iba pang partners nito sa patuloy nilang suporta. (DA-PhilRice Midsayap, FB)