Tumanggap muli ng dekalidad na binhi ang mga ka-palay natin mula Isabela, Negros Occidental. Ito ay nailaan para sa 2023 dry season.
Ayon kay Joelyn Librado, kawani ng Provincial Agriculture Office sa nasabing probinsya, malaki ang naitutulong ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program sa kanila dahil naaabot nila ang 98% rice sufficiency sa kanilang lokal.
Isa naman si ka-palay Eugenio Salivio sa mga nakakuha na ng kanyang binhing palay sa kakatapos lamang na kick-off seed distribution doon.
“Sobrang saya ko na natanggap ko itong NSIC Rc 222. Nakita ko kasi ito doon sa PalaySikatan noong nakaraang buwan. Matibay at marami yung butil nito,” kwento ni Eugenio na isa ring miyembro ng San Agustin Agrarian Reform Cooperative.
Nagpaalala naman si PhilRice Negros branch director Gerardo F. Estoy Jr. sa mga dumalo sa kick-off distribution na basahin nang mabuti ang mga natatanggap nilang babasahin dahil ito ang kanilang gabay sa pagpapalayan. (DA-PhilRice Negros, FB)