Dahil sa sistemang Binhi e-Padala na may kasamang pre-registration, siguradong di mo na kailangan maghintay ng matagal at pumila para makatanggap ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seeds sa pamamagitan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice).
Kamakailan lamang ay sinubukan ng mga magsasaka sa Arayat, Pampanga ang nasabing sistema.
Gamit ang kanilang mga cellphone, sinagutan nila ang online form na tungkol sa kanilang pagsasaka at sila ay nakatanggap ng QR code.
Dahil naka-pre-register na sila, mas mabilis na lang nilang makukuha ang kanilang binhi. Ipapakita lamang nila ang kanilang RCEF seed ID, pipirma sa acknowledgment receipt, at ipapakita ang QR code.
(RCEF Seed Program, FB)