Ito ang naging paalala ng DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa mga miyembro ng Seed Grower Cooperatives at Associations (SGC/As) sa Western Visayas na partner nito sa pagpaparami ng dekalidad na binhing palay para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program.

Sa isinagawang pag-uusap ng ahensya at ng mga SGC/As, ipinaliwanag muli ni Susan Brena, eksperto mula DA-PhilRice, ang kahalagahan ng roguing o pagtanggal ng mga halo o lahok sa palayan upang mapanatili ang pagkapuro ng mga barayti na itinatanim.

Kahit matagal nang nagsu-supply ng certified seeds ang mga kooperatiba, may mga pagkakataon pa rin daw na nagiging hamon sa kanila ang mga halo lalo na tuwing dumadaan na sa proseso ng sertipikasyon ang mga binhi na kanilang nai-produce.

Kasama din sa ipinaliwanag sa mga seed growers ang tamang pag-aabono upang mas lumago pa ang kanilang tanim at tumaas ang kanilang ani.

Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa tamang paraan ng seed inspection na dapat tandaan ng mga naitalagang inspectors ng bawat kooperatiba.

Bukod sa DA-PhilRice, kasama din sa nasabing konsultasyon ang mga kinatawan ng DA-PhilRice Negros, Bureau of Plant Industry (BPI)-National Seed Quality Control Services (NSQCS) Unit Region 6, at ang DA – Regional Field Office 6.
(Arian Jerome Fernandez / DA-PhilRice Negros, FB)