Iisa ang paniniwala ng future trainers sa Training of Trainers ukol sa “Pest and Nurtient Management” matapos ang mensahe ni Dr. Karen Eloisa T. Barroga, deputy executive director for development ng DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

Hindi na ako gagamit ng mga mabubulaklak na salita, mahirap at maraming mga hamon pagdating sa pagtulong sa mga magsasaka, pero hindi po kami sumusuko, kaya sana ay ‘wag din po kayong sumuko dahil naniniwala kaming kapag tulong-tulong po tayo ay makakamit po natin ang layunin nating gawin rice-sufficient ang ating bayan,” pagbabahagi ni Dr. Barroga.

Ang 30 nagsipagtapos ay mga agricultural extension workers (AEW), extension faculty ng state universities and colleges, at mga trainer at may-ari sa farm school na nagsanay sa PhilRice- Central Experiment Station (CES) mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 2, 2022.

Kasama sa kanilang training ang pagkilala at pamamahala sa mga pesteng kulisap, kaibigang insekto at organismo, mga sakit, at iba’t-ibang uri ng damo sa palayan.

Ang pagsasanay ay programa sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) – Rice Extension Services Program (RESP) na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na naglalayong mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka.

Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondahan din nito ang mga pautang na pangsakahan.
(RCEF Extension Program, FB)