Sa naganap na Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) PalaySikatan Techno-Demo sa tulong nang DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) para sa 2023 dry season sa Cawagayan, Pinukpuk, Kalinga, itinampok ang paggamit ng drum seeder na dinaluhan ng 25 magsasaka nito lamang Disyembre 9, 2022.
 
Malaking tulong sa akin bilang magsasaka ang drum seeder. Bukod sa makakatipid sa gastos, madali pang gamitin,” wika ni Jovenel L. Gamon, 38 taong gulang, magsasaka ng Sitio Tangbay, Gubgub, Tabuk City.
 
Ito ang kauna-unahang pagkakataong makagamit ang mga magsasaka ng drum seeder kaya makikita sa mga larawan kung gaano sila katuwa. Ayon pa sa kanila, panahon na para subukan ang mga makabagong teknolohiya sa pagpapalayan para makabawas sa gastos sa pagsasaka.
(DA-PhilRice Isabela, FB)