Ikinatuwa ng mga magsasaka ng nasabing bayan sa Quezon ang matagumpay na pamamahagi ng mahigit na 747 na sako ng dekalidad na binhi sa pamamagitan ng sistemang Binhi e-Padala noong Disyembre 14-19 ng nakaraang taon.
Ang makabagong sistemang ito ay mas pinadali at mas pinabilis na pamamaraan ng pagkuha ng libreng binhi sa tulong ng digital technology. Sa prosesong ito, ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ay makakatanggap ng text message o SMS mula sa DA-PhilRice na naglalaman ng lugar, petsa ng seed distribution, at dami ng sako ng binhi na kanilang makukuha.
Ani ni ka-Palay Rosalinda Ramos Porto, napakaganda ng serbisyong ito dahil bukod sa mas mabilis niyang nakuha ang kanyang binhi, mas maayos din ang naging sistema ng pamimigay, walang pila, at malaya siyang nakapili ng gusto niyang barayti.
(DA-PhilRice Los Baños / RCEF Seed Program, FB)