Inaasahan ni ka-Palay Analyn M. Quiday, 52, ng Quezon, Nueva Ecija na sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) “Training of Trainers (TOT) on the Production of High-Quality Inbred Rice and Seeds and Farm Mechanization,” mas mahahasa ang kanyang kaalaman sa pagpapalayan at matutunan ang mga pamamaraan ng mga trainors sa pamamahagi ng kaalaman sa mga magsasaka.
“Nakaka-encourage kasi ang mga style nila kung paano nila kami natuturuan,” dagdag nito.
“Magtanong nang maging marunong,” naman ang naging paalala ni Dr. Karen Eloisa Barroga, DA-PhilRice deputy executive director for development, para sa mga kalahok sa pagsasanay.
Dalawampu’t walong trainors mula sa Tarlac at Nueva Ecija ang kalahok sa nasabing pagsasanay mula Marso 13-31, 2023