Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) “Training of Trainers (TOT) on the Production of High-Quality Inbred Rice and Seeds and Farm Mechanization “
(Original Version) Natuklasan ni ka-Palay Woody B. Tenizo, trainor ng Atanacio Farm School sa Palayan City, Nueva Ecija na kinakailangan pa niyang pag-igihan ang pag-aaral ng ‘fertilizer calculations’ upang mas mainam niyang maibahagi ang kahalagahan ng tamang paglalagay ng abono sa mga kapwa magsasaka.
Bukod sa fertilizer applications, kabilang rin ang “Identification and Collection of Insect Pests and Diseases of Rice” sa mga kasanayang itinuro kina Woody at iba pang mga trainors ng Nueva Ecija at Tarlac sa unang linggo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) “Training of Trainers (TOT) on the Production of High-Quality Inbred Rice and Seeds and Farm Mechanization.”
Kwento ni ka-Palay Woody, bukod sa tumaas na ang kaniyang kumpyansa sa pagtuturo, mas lalo pa siyang nanabik sa mga posible niyang mapulot na kaalaman sa natitirang dalawang linggo ng pagsasanay. (FB, RCEF Extension Program)