Siksik sa kaalaman ang hatid ng dalawang linggong Training of Trainers ukol sa pagpaparami ng dekalidad na binhi at paggamit ng mga makinarya sa mga trainors mula sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Sinugurado ng mga trainors na ibabahagi nila ang mga natutunang teknolohiyang pantaas ani at pagbawas sa gastos upang sama-samang umasenso ang ating mga magsasaka.
Ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), Training of Trainors (TOT) ay programa sa ilalim ng RCEF – Rice Extension Services Program na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na naglalayong mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka.
Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondahan din nito ang mga pautang na pangsakahan. (FB, DA-PhilRice Batac)